Bawal magsabi ng totoo
Pinaggalitan si Ambassador Francis Al Bichara ng Department of Foreign Affairs dahil sinabi niya na kaya mabagal ang evacuation ng mga OFW mula Lebanon dahil kinukulang sila ng pera.
Siyempre magagalit talaga ang DFA at Malaca?ang dahil sinabi ito ni Bichara,Replica gucci, isang araw matapos magyabang si Gloria Arroyo sa kanyang state-of-the nation address na “May pera na… may pera tayo”.
Itong pagmamayagpag ni Arroyo na “May pera tayo” ay kasama sa kanyang propaganda na magaling siyang pangulo kaya raw “may pera na tayo.”
Kailangan rin ni Arroyo ibando na marami siyang pera na pamumudmud para hindi siya iwanan ng mga kongresista na boboto sa impeachment. Parang sinasabi sa kanila na “May pambayad ako sa inyo. Magkano ba ang gusto nyo?” Ganun rin ang mga local officials na siyang tumutulak ng Charter Change.
Nabuking sila ngayon ni Bichara na kailangan magsabi ng totoo dahil siya doon ang nagu-organisa ng evacuation ng mga OFWs. Kailagan ang pagkain para sa mga Filipino workers na nasa evacuation center.
Kailangan din ni Bichara mag-hire ng mga bus na sasakyan ng mga OFW paalis sa Lebanon hanggang sa Syria. Harang raw ang presyo ng mga bus ngayon sa Lebanon ngunit wala namang magawa at ganun talaga sa panahon ng krisis.
Sa pagsabi ni Bichara na wala silang pera, di parang samal yan kay Arroyo na katatapos lang magyabang na “may pera na tayo. Walang pinag-iba yun kay dating acting secretary fe Hidalgo na nagsabi na kulang ng sobra 6,000 classrooms sa pasukan samantalang pinagyayabang ni Arroyo na dahil magaling siya,prada handbags, nabigyan na niya ng solusyon ang kakulangan ng classrooms. Yun nga,Replica Gucci, siniksik niya ang isang daang estudyante sa isang classroom.
Hindi yata alam ni Bichara na bawal magsabi ng totoo dito sa administrasyon ni Arroyo. Bagong ambassador si Bichara. Dati siyang gubernador ng Albay. Nasa partido siya ng Nationalist People’s Coalition ng negosyanteng si Eduardo “Danding” Cojuangco.
Humingi na ng paumanhin si Bichara sa DFA at sinabing nagkamali siya sa pagsabing walang perang panggastos sa ma OFW. Parang katulad rin noon kay Hidalgo na pinabalik sa Dep-ed at nang bumalik sa Malaca?ang, sinabi niyang wala ng classroom shortage.
Ngunit nanganak na ang kanyang pagbulgar ng totoong sitwasyon dahil magkakaron ng imbestigasyon sa Senado. Tinatanong na ngayon kung saan napunta ang walong bilyon (P8 billion) na kinakaltas sa mga OFW na dapat hawak ng OWWA (Overseas Workers Welfare Administration).
Mabuti naman at ng mahalungkat na yun pati pa yung ginamit noong 2004 election.
Other articles: